This post is very timely for the Filipinos. Yes, Pres. Benigno Aquino III and Vice Pres. Jejomar Binay had their inauguration last June 30, 2010. at isa ako sa mga maswerteng nakasaksi ng pangyayaring iyon. Salamat sa T.V. When I heard Noynoy's speech, I was so amazed that I want to believe, "here comes change!". Oo, kasi sa dami ng pinagdaanan ng Pilipinas, mahirap nang maniwala sa mga pulitiko. Pero nakakaramdam ako ng tunay na sense ng pagbabago, alam nyo yun, parang mas nagiging responsable na'ko. Kasi naisip ko, hindi na tayo mga bata, at panahon na para patunayan na tayo talagang mga kabataan ay pag-asa ng bayan. Matagal nang naghihintay ang Pilipinas. Karaniwan kasi sa mga pangyayaring tulad ng panahon ng pagiging "over-patriotic" ng ating mga kababayan ngayon, short-lived sya lagi eh. Yung tipong mga isang buwan lang tayo ganito, tapos... tapos... wala na. tinamad na. Aminin naman kasi natin, hindi ganun kadali yung pagbabagong hinihiling natin para sa Pilipinas. Pero ang problema kasi kaya tayo nababagalan, dahil mismong sa sarili natin, hindi natin madama na may nagbabago. Change should always start in an individual, sa sarili natin. Tama yung ginawa na pinanumpa din yung mga saksi sa inauguration na yun, na tutulong para sa pagbabago ng Pilipinas. Para sa bandang huli, magkulang man tayo, hindi laging ang mga pulitiko ang nasisisi. Panahon na, at uulitin ko, HINDI NA TAYO MGA BATA. Kailangan nang makisali sa order of society natin.
That's all bloggers. Thanks for reading! ♥
No comments:
Post a Comment